
%20(1).png)
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗜𝗦 𝗡𝗢𝗪 𝗢𝗣𝗘𝗡!
𝑻𝑨𝑮𝑼𝑰𝑮 𝑳𝑬𝑨𝑹𝑵𝑬𝑹𝑺’ 𝑪𝑬𝑹𝑻𝑰𝑭𝑰𝑪𝑨𝑻𝑬 (𝑻𝑳𝑪) 𝑺𝑪𝑯𝑶𝑳𝑨𝑹𝑺𝑯𝑰𝑷 𝑷𝑹𝑶𝑮𝑹𝑨𝑴
𝑺.𝒀. 2025-2026
𝗦𝗶𝗻𝗼-𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗽𝗽𝗹𝘆 𝘀𝗮 𝗧𝗟𝗖 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺?
1. Magtatapos o nagtapos sa kahit anong Public Elementary School sa Taguig; at naging mag-aaral sa Public School sa Taguig sa nakalipas o sa kabuuang tatlong (3) taon;
2. Mag-eenrol pa lamang bilang Grade 7;
3. Mayroong magandang pag-uugali na pinapatunayan ng Punong-guro sa kanyang paaralan;
4. Ang mga magulang ay naninirahan sa Taguig ng hindi bababa sa tatlong (3) taon
5. Ang mga magulang ay rehistrado at aktibong botante ng Taguig sa nakalipas na tatlong (3) taon bago ang kanyang aplikasyon; at
6. Ang pagsali sa programa ay boluntaryo na may kasulatan ng pagsang-ayon ng kanyang magulang, na nangangakong gagabayan at susuportahan ang aplikante.
𝗔𝗻𝗼-𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗼𝗸𝘂𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼?
1. Original Student Application Form;
2. Certificed True Copy ng FORM 137;
3. Original Certification from School mula sa Adviser o Punong-guro na nagpapatunay na ang aplikante/estudyante ay isa sa mga magtatapos ng elementarya ngayong taon at may magandang pag-uugali;
4. Barangay Residency Certificate ng isa sa mga magulang ng aplikante/ estudyante na nagpapatunay ng tagal ng paninirahan sa Taguig na hindi bababa sa tatlong (3) taon.
5. Photocopy ng Birth Certificate ng aplikante/estudyante
6. (Optional - ngunit mas mapapabilis ang proseso kung dala ito)
COMELEC Certification ng isa sa mga magulang ng aplikante
(Issued after May 9, 2022 election);
𝗔𝗻𝗼-𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽?
1. Tulong pambayad sa Matrikula (Tuition Fee Support)
• P13,000.00 (Grade 7 to Grade 10)
• P18,000.00 (Grade 11-12, maliban sa mga mayroong DepEd Voucher)
• P10,000.00 Educational Assistance kada taon para sa Miscellaneous Fee at iba pang gastusin na may kinalaman sa pag-aaral (uniporme, aklat, proyekto, pamasahe, at iba pa)
2. Karapatan na makapag-apply sa LANI Scholarship kapag tumuntong na ng Kolehiyo.
𝗦𝗮𝗮𝗻 𝗶𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗽𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻?
Maaaring ipasa ang aplikasyon sa 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐈𝐀 𝐃𝐄 𝐒𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐑𝐓𝐎𝐋𝐎𝐌𝐄 𝐃𝐄 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐈𝐆 ng programa mula 𝐌𝐀𝐑𝐒𝐎 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐁𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓.